Nakatanggap Ka ba ng Mga Dokumento mula sa Tanggapan ng Mga Administratibong Pagdinig?
Ang Tanggapan ng Mga Administratibong Pagdinig (Office of Administrative Hearings, OAH) ay tumutulong na lumulutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao at mga ahensya ng estado. Kung nakatanggap ka ng mga dokumento mula sa OAH, malamang na kabilang ka sa pagdinig na nauugnay sa hindi pagkakaunawaang iyon.
Ang dalawang pinakakaraniwang dokumento na ipinapadala namin ay ang Abiso sa Pagdinig at Abiso sa Mga Kautusan.
- Nagbibigay-alam sa iyo ang Abiso sa Pagdinig(Notice of Hearing) na may pagdinig na iniskedyul.
- Ipinapaliwanag sa Kautusan(Order) ang pasya ng hukom tungkol sa pagdinig.
Para malaman kung ano ang susunod na gagawin, suriin ang halimbawa ng mga dokumento na ibinigay sa TAGALOG at ihambing ang mga ito sa natanggap mo. Pangkalahatang impormasyon lang ang ibinibigay ng mga halimbawang ito. Para sa mga partikular na detalye sa iyong pagdinig, suriin ang mga dokumentong ipinadala namin sa iyo.
Makipag-ugnayan sa aming Customer Service Center, sa 1-800-583-8271 para sa mga tanong. Maglalaan kami ng libreng interpreter.
Mga Benepisyo sa Pagkawala ng Trabaho (Unemployment Benefits)
Ikaw o ang iyong employer ay hindi sumasang-ayon sa isang desisyon ng Departamento ng Seguridad sa Pagtatrabaho (Employment Security Department, ESD).
- Halimbawa ng Abiso sa Pagdinig para sa Pagkawala ng Trabaho (Notice of Hearing): Ang karamihan ng mga pagdinig para sa pagkawala ng trabaho ay isinasagawa sa telepono. Papasok ka sa tawag para sa pagdinig. Makikita mo ang numero ng telepono at code ng pag-access sa iyong Abiso sa Pagdinig.
- Paano Maghanda para sa Pagdinig para sa Pagkawala ng Trabaho (How to Prepare).
- Mga Karapatan sa Pag-apela para sa Pagkawala ng Trabaho (Appeal Rights) kung hindi ka sumasang-ayon sa Kautusan ng hukom. Paparating na ang isinalin na dokumento.
- Mosyon para Ipawalang-bisa (Motion to Vacate) kung hindi ka makakadalo sa iyong pagdinig. Paparating na ang isinalin na dokumento.
Pagsuporta sa Anak (Child Support)
Ikaw o ang isa pang magulang ay hindi sumasang-ayon sa pasya ng Dibisyon ng Pagsuporta sa Anak (Division of Child Support, DCS) na magtaguyod, magpatupad, o magbago ng pagsuporta sa anak.
- Halimbawa ng Abiso sa Pagdinig para sa Pagsuporta sa Anak (Notice of Hearing): Ang karamihan ng mga pagdinig para sa Pagsuporta sa Anak ay isinasagawa sa telepono. Tatawagan ka namin para sa pagdinig. Bago ang pagdinig, tiyaking mag-check in at kumpirmahin ang numero ng telepono na dapat naming gamitin para tawagan ka. Puwede mo itong gawin anumang oras.
- Paano Maghanda para sa Pagdinig para sa Pagsuporta sa Anak (How to Prepare)
- Magsama ng nakumpletong Deklarasyon ng Kumpidensyal na Impormasyon kung magsusumite ka ng mga dokumento para sa iyong pagdinig.
- Mga Karapatan sa Pag-apela para sa Pagsuporta sa Anak (Appeal Rights) kung hindi ka sumasang-ayon sa Kautusan ng hukom.
Pampublikong Tulong (Public Assistance)
Hindi ka sumasang-ayon sa isang pasya ng Departamento ng Mga Serbisyong Panlipunan at Pangkalusugan (Department of Social and Health Services, DSHS) na magbago, magwakas, o tumangging magbigay ng mga benepisyo gaya ng mga food stamp, pabahay at mga pangunahing pangangailangan, o pansamantalang tulong para sa mga nangangailangang pamilya.
- Halimbawa ng Abiso sa Pagdinig para sa Pampublikong Tulong (Notice of Hearing): Ang karamihan ng mga pagdinig para sa Pampublikong Tulong ay isinasagawa sa telepono. Tatawagan ka naming para sa pagdinig. Bago ang pagdinig, tiyaking mag-check in at kumpirmahin ang numero ng telepono na dapat naming gamitin para tawagan ka. Puwede mo itong gawin anumang oras.
- Paano Maghanda para sa Pagdinig para sa Pampublikong Tulong (How to Prepare).
- Mga Karapatan sa Pag-apela para sa Pampublikong Tulong (Appeal Rights) kung hindi ka sumasang-ayon sa Inisyal na Kautusan (Initial Order) o Pinal na Kautusan (Final Order) ng hukom.
Washington Apple Health at Medicaid
Hindi ka sumasang-ayon sa isang pasya ng Awtoridad ng Pangangalagang Pangkalusugan (Health Care Authority, HCA) na baguhin, wakasan, o hindi ibigay ang iyong mga medikal na benepisyo.
Para sa ilang pagdinig na may kaugnayan sa HCA, papasok ka sa tawag para sa pagdinig. Para sa iba pa, kami ang tatawag sa iyo.
- Halimbawa ng Abiso sa Pagdinig para sa Apple Health kung tatawag ka para pumasok sa pagdinig (Notice of Hearing). Makikita mo ang numero ng telepono at code ng pag-access sa iyong Abiso sa Pagdinig.
- Halimbawa ng Abiso sa Pagdinig para sa Apple Health kung kami ang tatawag sa iyo para sa pagdinig (Notice of Hearing). Bago ang pagdinig, tiyaking mag-check in at kumpirmahin ang numero ng telepono na dapat naming gamitin para tawagan ka. Puwede mo itong gawin anumang oras.
- Paano Maghanda para sa Pagdinig para sa Apple Health (How to Prepare).
- Mga Karapatan sa Pag-apela para sa Pagdinig para sa Apple Health (Appeal Rights) kung hindi ka sumasang-ayon sa Kautusan ng hukom. Paparating na ang isinalin na dokumento.
Pagsusumite ng Mga Dokumento Online para sa Iyong Pagdinig
Puwede mong gamitin ang Portal ng Kalahok (Participant Portal) ng OAH para magsumite ng mga dokumento o para masuri ang mga detalye tungkol sa iyong pagdinig. Suriin ang Gabay sa Portal ng Kalahok sa Tagalog para matulungan kang mag-navigate sa site.
Bago gamitin ang portal, kailangan mo munang gumawa ng Secure Access Washington (SAW) account. Sundin ang mga tagubilin sa ibaba para magsimula:
- SAW Account (Mabilisang Gabay)
Tawagan ang OAH sa 1-800-583-8271 kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa iyong pagdinig. Ihanda ang iyong numero ng docket (Docket).
Impormasyon Tungkol sa Pagsasalin
Ang lahat ng impormasyong nasa pahinang ito ay isinalin ng propesyonal.
Kung gusto mong mag-navigate sa buong site sa iyong wika, ang website ng OAH ay isinalin ng Google para matulungan kang mabasa ang nilalaman sa mga wika bukod pa sa English. Disclaimer sa Pagsasalin